
Batay sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas dos ng madaling araw ng magliyab ang mga 6-wheeler truck at 2:56AM nang rumesponde ang tauhan ng BFP Pasig at mga fire volunteer.
Biyaheng Bicol, Batangas, at malalayong probinsya ang ruta ng mga 6-wheeler truck.
Kargado ang ilan sa mga ito ng mga construction materials at mga gamot.
Bandang 3:12AM nang ganap nang maapula ang nangyaring vehicular fire.
Wala namang naiulat na nasugatan at inaalam pa ang sanhi ng sunog at ang halaga ng ari-ariang natupok.
Facebook Comments










