Apat na abogado ng BI, sinibak sa pwesto dahil sa isyu ng pre-arranged employment visa

Sinibak na sa pwesto ang apat na abogado ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa pre-arranged employment visa.

Partikular ang mga abogadong responsable sa pagbibigay ng 9G visa sa mga pekeng korporasyon.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, irerekomenda nila sa Department of Justice (DOJ) na kasuhan ang naturang mga abogado ng BI.


Una nang ibinunyag ng DOJ na tinutulungan ng Immigration Legal Department ang ilang dayuhan na nagtatrabaho sa POGO para makakuha ng pre-arranged employment visa.

Facebook Comments