Apat na araw na trabaho sa isang linggo, malaking kabawasan sa epekto ng nagtataasang presyo ng petrolyo ayon kina Lacson-Sotto Tandem

Nagpahayag ng buong suporta sina Partido Reporma Presidential Aspirant Senador Panfilo Lacson at Vice Presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa panukalang pagpapatupad ng 4-day work week para makaluwag ang mga Pinoy sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa merkado.

Ayon sina Lacson-Sotto Tandem, makatutulong din ito para mas magkaroon ng oras ang mga empleyado kasama ang kanilang pamilya at apat na araw na lamang nila magagamit ang kanilang mga sasakyan sa pagpasok sa trabaho at apat na araw din lang sila sasakay ng public transport patungo sa kanilang mga trabaho.

Dagdag pa ni Lacson, maganda suhestiyon ito para makatipid ng gasolina at gastusin sa pasahe ang mga manggagawa pumapasok sa trabaho araw-araw.


Paliwanag ni Lacson sa 4-day work week mahaba ang oras ng trabaho sa isang araw subalit mas mahaba naman nila makakapiling ang pamilya sa loob ng tatlong araw mula Biyernes hanggang Linggo.

Matatandaan na inirekomenda rin kamakailan ni National Economic and Development Authority (NEDA) Head Karl Chua ang 4-day workweek para makabawas sa gastusin ng ordinaryong Pilipino sa pagkain at transportasyon.

Facebook Comments