Friday, January 16, 2026

APAT NA BABAE, HINULI SA ANTI-ILLEGAL GAMBLING OPERATION SA SAN FERNANDO CITY

Apat na babae ang naaresto dahil sa paglabag sa Anti-Illegal Gambling Ordinance matapos ang isang operasyon na isinagawa bandang 5:00 ng hapon, kahapon sa San Fernando City, La Union.

Ang operasyon ay isinagawa ng San Fernando City Police Station (CPS) matapos mahuli sa akto ang mga nasabing indibidwal na naglalaro ng “Pusoy Dos” na may kasamang pustahan.

Ang mga nahuling violators ay kinilalang nasa edad mula 32-60 anyos na mga kababaihan at mga residente rin sa nasabing lungsod.

Nakumpiska mula sa kanilang pagmamay-ari at kontrol ang isang set ng baraha at pustang pera na nagkakahalaga ng ₱120.00.

Ang mga nahuling violators ay binigyan ng Citation Tickets dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 1970-03 at agad na pinalaya matapos ang kaukulang proseso, alinsunod sa umiiral na mga patakaran ng San Fernando CPS.

Facebook Comments