
Apat na kababaihan ang nahuli sa akto ng paglalaro ng “Pusoy”, isang ipinagbabawal na sugal dakong 3:55 PM noong Nobyembre 27, 2025, sa Balaoan, La Union.
Isinagawa ng Balaoan Municipal Police Station (MPS) ang anti-illegal gambling operation sa naturang lugar, na nagresulta sa pagkakahuli sa mga lumabag na mga kababaihan na nasa edad mula 20 hanggang 50 anyos na residente rin sa nasabing lugar.
Sa operasyon, naaktuhan ang mga suspek habang naglalaro ng “Pusoy” at nakumpiska mula sa kanilang pagmamay-ari ang isang set ng baraha at ginamit bilang pantaya.
Agad na binigyan ng citation tickets ang mga lumabag at dinala sila sa Balaoan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon alinsunod sa umiiral na ordinansa.
Patuloy naman ang pulisya sa pagpapatupad ng kampanya laban sa illegal gambling sa nasabing bayan.










