Target ng Pilipinas na makuha ang apat na COVID-19 vaccines na gagamitin sa unang kwarter ng 2021.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tatlo sa mga ito ay magmumula sa China: ang Sinovac Biotech; CanSino Biologics; at ang Sinopharm.
Ang isa pang bakuna ay mula sa Gamaleya Research Institute ng Russia.
Ang bakuna naman ng AstraZeneca ay maaaring magamit sa ikawalang kwarter ng taon.
TInatayang darating sa ikatlong kwarter ng taon ang mga bakunang gawa ng Pfizer, Johnson & Johnson, Novavax, Moderna, at mula sa COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).
Inatasan na ng National Government ang local government units na ihanda ang listahan ng mga taong ipaprayoridad sa vaccination.
Inihahanda na rin ang imbentaryo ng possible immunization centers at cold chain storage at transportation.