
Matagumpay na naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na banyaga sa Nueva Ecija dahil sa isyu sa kanilang working visa.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang South African national ay naaresto sa Camp Fort Magsaysay sa Nueva Ecija dahil sa paglabag sa mga kondisyon sa kanyang working visa.
Kinilala ang suspek na si Faaiz Ameer Garnie, 32.
Nagtatrabaho umano ang suspek sa isa pang kumpanya na hindi sakop ng kanyang working visa na paglabag sa terms ng kanyang 9G working visa.
Si Imran Khattak naman na nagtatrabaho rin sa lugar na isang operations specialist ay walang valid na working visa kaya ito inaresto.
Sa magkahiwalay na operasyon, naaresto rin ang dalawang Chinese national dahil sa isyu ng overstaying at paglabag sa mga kondisyon ng pananatili ng mga ito dito sa Pilipinas.
Kinilala ang mga suspek na sina Wang Jiabai na kilala ring Kevin Wang, 43 at Wang Libi , na kilala ring Lisa, 46.
Si Wang Jiabai ay nagma-manage ng business establishment sa Balasan, Iloilo kahit wala itong valid visa extension.
Habang si Libi ay naaresto sa Barotac Nuevo, Iloilo na nagtatrabaho sa isang kumpanya maliban pa sa petitioning employer at bigong magpakita ng valid passport o immigration documents.










