Apat na Barangay sa Bayan Aurora, Nakatakda na Maging Drug Free!

Aurora, Isabela – Inaasahan na sa darating na buwan ng Mayo ay magiging drug cleared na ang apat na barangay sa bayan ng Aurora. Ito ang naging pahayag ni Deputy Police Inspector Andy Delos Santos sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan.

Sinabi pa ni Inspector Delos Santos na nakapagsumite na ng mga dokumento na nakalap bilang patunay na walang naitalang indibidwal na may kaugnayan sa droga sa apat na barangay.

Ito ay kinabibilangan ng barangay Ballesteros, Bannagao, Bolinao at Bagong Tanza kung saan ay hinihintay pa ang ebalwasyon na isasagawa ng PDEA.


Samantala sa tatlumput tatlong barangay ng Aurora, may kabuuang isang daan at animnaput limang drug identified o tokhang responders ang nakatapos na ng kanilang Community Base Rehabilitation Program kamakailan at may natitira pang limang DI ang hindi pa nakatapos ng CBRP.

Facebook Comments