Manila, Philippines – Apat na barangay ang nanatiling kontrolado ng Maute terror group sa Marawi City kung saan nagpapatuloy pa rin ang gulo
Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla sa nagpapatuloy na Mindanao hour.
Aniya nanatiling “stronghold” ng mga kalaban ang apat na barangay na hindi pa nito tinukoy.
Dito sa apat na barangay na ito nagplano ang mga kalaban para umatake at dito rin nakatira o nanatili ang pamilya Maute.
Sa ngayon – nasa 150 hanggang 200 miyembro pa ng maute ang nanatili sa apat na brgy na sentro ng kanilang operasyon.
Sa kabila naman nang pagbaba nang bilang ng mga kalaban hindi pa matukoy ng militar kung hanggang kailan matatapos ang gulo sa Marawi City.
* DZXL558*
Facebook Comments