Apat na bilanggo sa detention facility ng Roxas Municipal Police Station sa Zamboanga del Norte, nakatakas

Pinaghahanap na ngayon ng mga tauhan ng Roxas Municipal Police Station sa Zamboanga del Norte ang apat na bilanggo na tumakas kaninang madaling araw sa kanilang detention cell.

Ayon kay Police Captain Edwin Duco, Tagapagsalita ng PNP Region 9, ang mga nakatakas ay sina Welly Celino, 23, may kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions, Robert Quinicar, 46 , may kasong paglabag sa RA 10591; Wilfredo Antiquino, 19, may kasong paglabag sa RA 9165 o kasong may kinalaman sa droga at Roger Barillo may kasong Attempted Homicide.

Nangyari ang pagtakas sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan kaninang madaling araw matapos na maputol ang bakal na rehas sa pamamagitan ng string ng gitara.


Agad namang iniutos ni PNP Region 9 Regional Director Brigadier General Jesus Cambay Jr., sa Chief of Police ng Roxas Municipal Police Station ang pagsasagawa ng manhunt operation laban sa apat.

Ipinost na rin ng mga otoridad sa social media ang larawan apat para agad silang maaresto.

Facebook Comments