Tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang apat na warehouses na kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng hinihinalang smuggling at hoarding ng bigas.
Ang mga ito ay ang San Pedro Warehouse, Blue Sakura Agrigrains Corporation, FS Rice Mill at Gold Rush Rice Mill sa Bulacan.
Sinabi ng pangulo na ang mga ito ay lumabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Rice Tariffication Law at Anti-Agricultural Smuggling Act.
Sa talumpati ng pangulo, siniguro nito na tuloy-tuloy ang laban kontra smuggling.
Pagbibigay diin ng pangulo na walang puwang sa kanyang administrasyon ang mga nagsasamantala at nanlalamang sa kapwa.
Matatandaang sinalakay ng mga tauhan ng BOC ang mga bodega ng bigas sa Bulacan matapos ang pinaigting na kampanya kontra smuggling at hoarding.