Natuwa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagbaba ng inflation rate sa sunod-sunod na apat na buwan kung saan nitong Mayo ay umabot na ito sa 6.1%.
Ayon kay Pangulong Marcos, alam ng administrasyon ang hangarin ng bawat Pilipino na magkaroon ng mas maginhawang pamumuhay kaya’t patuloy aniyang pinalalakas ang mga pang-ekonomiyang hakbang ng gobyerno.
Tiwala rin ang presidente na unti-unting makakamit ang kaginhawaang ito sa pagbaba ng inflation o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.
Pagmamalalaki pa ng Pangulong Marcos na ang pagbaba ng inflation ay tanda ng patuloy na pagtahak ng bansa sa tamang direksyon para sa mas abot-kayang presyo ng mga bilihin.
Facebook Comments