Apat na bwang sanggol, isa sa mga nasagip ng PNP na ibinebenta sa dark web

Na-rescue ng Philippine National Police (PNP) ang 636 na mga biktima ng child exploitation kabilang ang isang 4 na bwang gulang na sanggol.

Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil inilalako ang mga bata sa dark web.

Sa kaso aniya ng 4 na bwang gulang na bata, mismong ang nanay at tiyahin nito ang nagbebenta sa kanilang tirahin sa Taguig City.


Sa 636 na mga biktima, 375 ang mga nasagip na batang babae, 121 ang mga batang lalake, 17 ay mga menor de edad habang ang iba ay nasa tamang edad na.

Sa datos ng PNP simula 2022, nakapagsagawa na sila ng 307 na mga operasyon na nagresulta sa pagkaka aresto ng 167 na mga suspek, nasa 218 na ang nasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at 12 na ang napanagot sa batas.

Kasunod nito, tiniyak ng Pambansang Pulisya na palalakasin ang kanilang partnership sa local at international organizations upang matuldukan ang pamamayagpag ng child exploitation sa bansa kasabay ng panawagan sa publiko na agad i-report ang mga ganitong ilegal na gawain.

Facebook Comments