CALABARZON – Tinanggal sa kanilang pwesto ang apat na Chief of Police ng CALABARZON matapos na hindi mapatigil ang iligal na sugal sa kanilang area of responsibility.
Ayon kay Supt Chitadel Gaoiran ang tagapagsalita ng PNP CALABARZON, ang mga chief of police na ito ay sina; PSUPT Carlos Barde ang Chief of Police ng Lipa City at PSUPT Geovanny Emerick Sibalo , Chief of Police ng Sto. Tomas Municipal Police Station.
Sinibak din sina PSUPT Ronan Claravall ng San Pablo City Police Station at PSUPT Zeric Soriano, ang Chief of Police ng San Pedro Municipal Police Station.
Paliwanag ni Gaoiran ang pagsibak sa mga ito ay resulta ng labing limang araw na palugit na ibinigay ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa mga Chief of police na mapatigil ang iligal na sugal sa kanilang lugar.
Sa ngayon ang apat na sinibak na Chief of Police ay pansamantalang itatalaga sa Provincial Personnel Holding and Accounting Unit habang hinaharap ang kasong administratibo laban sa kanila.