Apat na Chinese fugitives, arestado ng Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang apat na Chinese Nationals na matagal nang nagtatago sa Pilipinas dahil sa kinakaharap na mga kaso sa China.

Sina Chen ShengFeng ,Tu Kangte ,Liu Yinan at Fang Hao ay naaresto sa Burgundy Corporate Center sa Makati city.

Batay sa official communication mula sa Chinese Embassy, wanted ang mga ito sa mga kasong economic crimes at Cyber fraud sa kanilang bansa.


Kinansela na rin ng Chinese Government ang kanilang pasaporte.

Samantala,pitumput pitong iba pang dayuhan na naabutan ng Bureau of Immigration sa nasabing gusali ang dinakip dahil sa kawalan ng kaukulang mga dokumento.

Facebook Comments