Ayon sa nakalap na datos ng opisina ni Pangasinan 2nd District Congressman Mark Conjuangco, umabot ng Phase 5 ang konstruksyon ng naturang Riverbank Protection Project sa kahabaan ng Agno River Basin sa Brgy. Panacol, na sinimulan noong Mayo 2020.
Sa kabuuang ₱445, 367,953.5 halaga ng proyekto, konektado ang RA Mendiola Construction and Developer na nakakuha ng proyekto sa halagang ₱42, 951,216.59; St. Timothy Contruction Corporation na may halagang ₱105, 658,773.18; YPR General Constructor and Construction Supply Inc. na nakakuha ng ₱56, 758,088.48; St. Gerard Constructor General Constractor and Development Corporation na may ₱95,057, 325.77; at St. Mathew Contractor and Development Corporation na ₱144, 942, 549.78.
Ayon pa sa kongresista, hindi dumaan sa konsultasyon ang naturang proyekto, parehong bagay na iginiit din ng lokal na pamahalaan na wala umanong courtesy call o acceptance letter ang dumaan sa opisina ng alkalde.
Base sa naging inspeksyon, tumagilid ang bahagi ng barrier dahil sa lumihis na pile cap, may maiksing sheet pile na tinabunan lamang ng gabion, at putol na proyekto na taliwas sa kabuuang nakalaang pondo.
Dahil dito, apela ng kongresista kay DPWH Secretary Vince Dizon ang kaukulang imbestigasyon upang mangibabaw ang katotohanan at mapanagot ang mga sangkot sa naturang proyekto.






