Apat na dam sa Luzon, patuloy pa ring nagpapakawala ng tubig

Tuloy pa rin ang pagpapakawala ng tubig sa apat na dam sa Luzon matapos magpaulan si Bagyong Ulysses.

Kabilang dito ay ang Ipo Dam, Ambuklao, Binga at Magat Dam.

Napilitang magbawas ng tubig ang mga nabanggit na dam ng halos mapantayan na ang critical level ng imbak na tubig dahil sa patuloy na buhos ng ulan.


Umabot naman ng 211.30 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam kahapon na lagpas na sa normal water elevation na 210 meters.

Samanatala, bahagya na ring bumaba ang water level ng La Mesa dam matapos lagpasan ang 80.15 meters spilling level.

Alas-12:00 ng tanghali kahapon nang umabot pa sa 80.22 meters ang lebel ng tubig sa dam na kusa namang umapaw at dumaloy sa Tullahan River.

Facebook Comments