Naaresto ng mga tauhan ng Makati City Police Station ang apat na drug suspek sa matapos mahuli sa aktong nagpa-pot session sa Medina Street, Barangay Pio Del Pilar, Makati City.
Kinilala ang apat na naaresto na sina Ely Aton, 52-anyos, Joselito Ortega, 49-anyos, Maricris Miranda, 39-anyos at Majorie Mamaid, 32-anyos.
Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nakatanggap ng tawag ang Makati police mula sa isang concerned citizen at isinumbong ang nagpapatuloy na pot session ng mga drug suspek.
Dahil dito agad na umaksyon ang mga pulis at nahuli sa akto ang apat na humihithit pa ng droga, agad silang kinakpakapan at pinosasan.
Sa pagkapkap at paghalughog sa lugar nakuha ang tatlong piraso ng maliit na sachet na nakalagay ang shabu na aabot sa isang gramo na may total estimated value na P6,800.
Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.