APAT NA EMPLEYADO NG ISANG INTERNET PROVIDER COMPANY, HULI SA AKTONG NAGNANAKAW NG KABLE

Arestado ang apat na empleyado ng isang internet provider company matapos mahuli sa aktong nagnanakaw sa mismong opisina ng kompanya sa Brgy. Nibaliw Vidal, San Fabian, Pangasinan.

Ang mga suspek ay mga lineman sa kompanya. Ayon sa imbestigasyon, nahuli mismo ng nakaduty na security guard ang mga suspek lulan ng L300 habang tinatangay ang kable at copper wire.

Nahabol naman ng guard ang mga suspek at agad nirespondehan ng mga nagpapatrolyang kapulisan.

Nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga suspek at nahaharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments