Apat na estudyante, arestado sa buy bust operation sa Pagadian City

Hindi na nakapalag ang apat na mga estudyante na pawang mga tulak ng droga matapos magsagawa ng operasyon ang tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 9 sa Purok Kapalaran, Barangay Balangasan, Pagadian City.

Nakilala ang mga suspek na sina Romeo Saycon Ramirez Jr., alyas “Jerick”, 22 anyos, Geovani Binaoro Pikit-Pikit, 20 anyos, Jesson Omaña Natingor, 21 anyos at Darren John Codiom Guiting, 22 anyos.

Narekober mula sa mga suspek ang 10 gramo ng iligal nga droga na nagkakahalaga ng ₱68,000.


Nabatid na parehong nag-aaral sa kursong nautical ang mga naarestong suspek.

Dahil dito ay mahaharap ang apat na mga estudyante sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments