Pagadian City, Zamboanga del sur—-Humagulgol sa pag-iyak ang apat na estudyante ng koliheyo matapos itong maaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Regional Public Safety Battalion 9, Regional Intelligence Division (RID 9), Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA-9) at elemento ng Pagadian City PNP sa Brgy. Sto. Niño sa lungsod ng Pagadian alas 4 ng madaling araw.
Kinilala ang mga naarestong suspect na sina Mark Jodem Peralta Quirante , 24-anyos, estudyante ng Southwestern College Cebu, Mark Andrew Albios Cinco 22 –anyos, estudyante ng Misamis University sa Ozamis City, Anthony Lao Monte Falcon , 24 anyos, estudyante ng Saint Columban College at Jick Sacbulan Duhaylungsod , 24-anyos, nakumpiska sa kanila ang dalawang pakite ng hinihinalang shabu at P500 na buy-bust money.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek at nakakulong na ngayon sa tanggapan ng pulisya habang ina-antay pa ang magiging resulta ng drug test. (Kenneth Bustamante-dxpr News Team)
Apat na estudyanti, naaresto sa Buy Bust Operation
Facebook Comments