APAT NA GASOLINAHAN SA NATIVIDAD, NAUBUSAN NG SUPPLY ISANG ARAW BAGO ANG MALAKING OIL PRICE HIKE

Apat na gasolinahan sa Natividad, Pangasinan ang naubusan ng supply ng diesel, unleaded, at premium na gasolina kahapon, Marso 16, isang araw bago ipatupad ang inaasahang malaking dagdag-presyo sa produktong petrolyo.

Batay sa ulat, kabilang sa mga gasolinahang naubusan ng suplay ang mga nasa Barangay Canarem, San Maximo, Poblacion East at Batchelor East.

Ayon sa Department of Energy, inaasahang ipatutupad ngayong Martes, Marso 17, ang panibagong oil price hike.

Posibleng tumaas ang presyo ng diesel ng ₱20.40 hanggang ₱23.90 kada litro, habang ang gasolina naman ay madadagdagan ng ₱12.90 hanggang ₱16.60 kada litro.

Gayunman, ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang pagtaas ng presyo nang paunti-unti o staggered sa loob ng linggo.

Dahil dito, dagsa ang mga motorista sa mga gasolinahan upang makapagpakarga bago tuluyang maramdaman ang malaking dagdag-gastos sa produktong petrolyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments