Apat na gate ng Binga at Ambuklao Dam, nakabukas

Dahil sa patuloy na pag-uulan, bukas ngayon ang ilang gate ng Ambuklao at Binga Dam sa Benguet.

Ayon sa PAGASA, simula kaninang alas-6:00 ng umaga, apat na gate ng Ambuklao Dam ang bukas ng dalawang metro.

Nabatid na nasa 751.66 meters na ang Reservoir Water Level (RWL) ng dam at malapit na nitong maabot ang 752-meter na Normal High Water Level (NHWL).


Samatala, dalawang metro rin ang bukas sa apat na gate ng Binga Dam.

Malapit na rin kasi nitong maabot ang 575-meter na Normal High Water Level.

Facebook Comments