APAT NA GUSALI NG ISANG POULTRY FARM SA SAN JACINTO,’TOTALLY DAMAGED’ MATAPOS ANG SUNOG

Tila naging pula ang kalangitan sa laki ng apoy na sumiklab mula sa isang poultry farm sa Barangay Macayug, San Jacinto, Pangasinan.

Ayon sa ilang residente, napansin umano nila ang makapal na usok na nagmumula sa loob ng manukan at dali-dali umanong lumaki ang apoy.

Base sa mga kuhang footage ng ilang residente, kitang-kita ang lawak ng sunog ilang daang metro mula sa kanilang kinaroroonan. Bagaman agaran ang naging pagresponde ng mga bombero, tila bahagya pa umanong lumawak ang sunog na sa hinala ng marami, ay nadamay pa ang isa pang manukan.

Rumesponde rin ang mga karatig na himpilan ng Bureau of Fire Protection sa lugar.

Ayon sa BFP San Jacinto, nangyari ang insidente pasado alas otso ng gabi na nagsimula sa isang gusali ng manukan at kalauna’y nadamay pa ang tatlong karatig na gusali.

Sa kabila nito, wala naman umanong nasaktan sa insidente.

Samantala, sinubukan naman ng IFM News Dagupan na kunin ang pahayag ng pamunuan ng poultry farm ngunit hindi ito nagpaunlak.

Samantala, kasalukuyang isinasagawa ang masusing imbestigasyon ukol sa pinagmulan at kabuuang danyos na idinulot ng nangyaring sunog.

Facebook Comments