Thursday, February 5, 2026

Apat na high-value individuals arestado sa back-to-back buy-bust operations; mahigit ₱17.1 milyong halaga ng shabu nasamsam

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang apat na high-value individuals (HVI) sa magkahiwalay na buy-bust operations na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa Bacolod City, naaresto ang dalawang HVI at nakumpiska sa kanila ang marked money, iba’t ibang non-drug items, at humigit-kumulang 1,300 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang ₱8.84 milyon.

Samantala, sa Leyte, dalawa pang HVI ang naaresto kung saan nasamsam ng mga operatiba ang humigit-kumulang 1,222 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱8.31 milyon.

Ang mga naarestong suspek ay sumasailalim na sa inquest proceedings at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa kasalukuyan, ang mga akusado ay nasa kustodiya ng kani-kanilang himpilan ng pulisya para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Ayon kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga nasabing operasyon ay malaking tagumpay sa patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Facebook Comments