Nakapagtala ng ‘very high’ na COVID-19 positivity rate ang apat na highly urbanized cities (HUCS) sa bansa ayon sa OCTA Research Group.
Sa inilabas na datos ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, nakapagrehistro ang Puerto Princesa City sa Palawan ng 39% positivity rate habang 33% sa General Santos City at kapwa nakapagtala ng 21% ang Iligan at Naga city.
Sa kabuuan, nasa low risk pa rin ang National Capital Reigon (NCR) kasama rito ang mga lungsod ng Bacolod, Butuan, Cebu City, Cotabato City, Dagupan, Lapu Lapu, Mandaue, Olongapo, Ormoc, Santiago. at Tacloban
Nasa very low risk namang ang mga lungsod ng Angeles at Lucena habang ang natitirang highly urbanized cities ay nasa moderate risk.
Facebook Comments