Apat na hinihinalaang tulak sa iligal na droga kabilang ang magkapatid, inaresto sa magkahiwalay na lugar sa San Mateo, Rizal

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit at Intelligence Unit ng San Mateo, Rizal Philippine National Police (PNP) ang apat na hinihinalaang tulak sa iligal na droga matapos na magsagawa ng buy-bust operation kabilang ang magkapatid sa magkahiwalay na lugar sa San Mateo, Rizal.

Ayon kay San Mateo PNP Chief P/Lt. Col. Jaycon Ramos mahigpit na ipinatupad ng San Mateo PNP ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) matapos ang mahabang Surveillance nag sagawa ng buy-bust operations ang mga tauhan ng Drugs Enforcement Unit at Intelligence Unit ng mga operatiba ng San Mateo PNP na nagresulta sa pagkakaaresto sa magkapatid na sina Albert Vergara y Esperes alyas Toyo at Ronald Vergara y Esperes alyas Goku sa 908 GSIS street, Brgy. Maly, San Mateo, Rizal.

Nakuha sa magkapatid sa isinagawang buy-bust operation ang labing isang pirasong heat sealed transparent plastic sachets na hininalang shabu, coin purse at P500.00 na buy-bust money.


Pangalawang naaresto sa magkahiwalay na lugar na nahulihan ng dalawang pirasong plastik na pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ay nakilalang si Ghiemel Memoracion y Garcia alyas Negro na naaresto sa Valerio Street, Brgy, Dulong Bayan1, San Mateo Rizal.

Huling naaresto sa isinagawang buy-bust operation ay nakilalang si Ronico Mahilig y Arevalo alyas Besyong na naaresto sa Marang Road, Brgy. Maly, San Mateo, Rizal kung saan nakumpiska sa kanya ang tatlong pirasong heat sealed transparent plastic sachets na hininalang shabu at P500.00 na marked money.

Paglabag sa R.A 9165 Article II Section 5-11 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa apat na mga suspek.

Facebook Comments