Inihayag ng OCTA Research Group na nasa “very low risk” classification na sa COVID-19 ang apat na Highly Urbanized Cities (HUCs) sa Luzon.
Ang mga HUCs na ito ay ang Angeles, Dagupan, Lucena, at Olongapo City.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 62% hanggang 32% nalang COVID-19 growth rate ng mga naturang lungsod.
Bukod dito ay nasa very low risk na rin ang average daily attack rate (ADAR), reproduction number, healthcare utilization rate, at positivity rate dito.
Samantala, nanatili naman sa low risk ang National Capital Region (NCR), Baguio, Naga City, at Santiago at LOW RIS habang nasa moderate risk naman ang Puerto Princesa.
Facebook Comments