
Nairefer na sa House Committee on Justice ang apat na verified impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Bunsod nito ay nagsimula na ang 1-year bar rule, ibig sabihin wala ng pwedeng ihain na impeachment complaint laban kay VP Duterte hanggang sa February 23 ng susunod na taon.
Ang committee on justice ang magdedetermina kung sufficient in form and substance ang nabanggit na mga reklamong impeachment laban kay VP Duterte.
February 2 inihain ang unang reklamo ng Makabayan Coalition at inendorso nina Partylist Representatives Antonio Tinio ng Alliance of Concerned Teachers, Sarah Jane Elago ng Gabriela Women’s Party, at Renee Louise Co ng Kabataan.
Sa kaparehong araw ay inihain ang ikalawang impeachment complaint ng mga kinatawan ng iba’t ibang progresibong grupo at civil society groups na inendorso nina Party-list Representatives Leila de Lima ng Mamamayang Liberal at Perci Cendaña ng Akbayan.
February 9 inihain ang ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara ng mga kinatawan ng simbahan, civil society leaders, at mga abogado na inendorso din ni Congreswoman De Lima.
At noong nakaraang miyerkules naman inihain ang ikaapat na reklamo ni Atty. Nathaniel Cabrera at inendorso nina Representatives Bienvenido “Benny” Abante Jr. Ng Maynila at Paolo Ortega V ng La Union.










