Apat na indibidwal, arestado ng NBI dahil sa pagbebenta ng GCash account

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) – Cybercrime Division, ang apat katao na sangkot sa GCash scam.

Kinilala ang mga arestado na sina Raul Malabon, Jerrica Sarmiento, Matthew Daniel Torres at Alexis Alviento na mga residente ng Bulacan, Pasay at lungsod ng Maynila.

Isinailalim sa online surveillance ng NBI ang aktibidad ng mga Facebook accounts na “Principe Larjay”, “Jerrica Sarmiento”, “Francis Lucas”, at “Sixela Alviento” na nagbebenta ng GCash accounts.


Noong May 22, 2023, isang entrapment operation ang ikinasa laban sa mga indibidwal na nasa likod ng Facebook accounts.

Natunton sa San Jose del Monte, Bulacan si Malabon na siyang nagmamay-ari ng Facebook account na “Principe Larjay” habang si Sarmiento ay nasa likod ng Facebook account na “Jerrica Sarmiento”.

Sa hiwalay na operasyon, arestado si Torres sa Pasay na nasa likod ng Facebook account na “Francis Lucas” at si Alviento sa lungsod ng Maynila na nasa likod ng Facebook account “Sixela Alviento”.

Isinailalim na ang mga suspek sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa R.A. 8484 (Access Devices Regulations Act of 1998) in relation to R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Facebook Comments