Apat na indibidwal, arestado sa buy bust operation sa Muntinlupa City

33

Hinuli ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station ang apat na indibiduwal matapos ang kanilang ikinasang buy bust operation sa Philippine National Railways (PNR) Site, Burger Street, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Kian Gali, 20-anyos, Julieann Gali, 36 anyos, Camille Belarmino, 21-anyos at Raymond Santos, 28-anyos.


Sa ulat ng Southern Police District (SPD), isinagawa ang buy bust operation matapos na makumpirmang may drug transactions ang mga suspek.

Sa operasyon, nakuha sa kanila ang isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.

Sa ngayon, nakakulong na ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Facebook Comments