APAT NA INDIBIDWAL, ARESTADO SA PAGSUSUGAL

Arestado ang apat na indibidwal sa Mangaldan matapos mahuli sa aktong nagsusugal ng larong “Pusoy.”

Natiktikan ang naturang pagsusugal matapos na may magsumbong sa pulisya.

Nakumpiska sa isinagawang operasyon ang playing cards na ginamit sa pagsusugal at bet money.

Nahaharap naman ang mga ito sa kasong paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287.

Masusing inilagak sa imbentaryo ang mga ebidensya habang nasa ilalim na ng kustodiya ng pulisya ang nahuling lumabag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments