Huli ang apat na indibidwal sa Binalonan dahil sa pagsusugal ng larong “Pusoy.”
Inireport sa hanay ng pulisya ang umano’y nagaganap na pagsusugal sa isang barangay sa nasabing bayan.
Agad naman itong nirespondehan ng awtoridad at nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na nasa edad 20 hanggang 53 anyos.
Nakumpiska sa mga ito ang gamit sa pagsusugal at perang pantaya.
Nasa ilalim na ng kustodiya ng pulisya ang mga naarestong lumabag at haharap kasong paglabag sa PD 1602.
Facebook Comments







