Apat na indibidwal na nagtatapon ng mga dumi ng hayop sa ilog inaresto ng NBI sa Pampanga.

Inihayag ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na inaresto ng mga operatiba ng NBI-Environmental Crime Division ang apat na indibidwal na nagtatapon ng dumi ng hayop mula sa isang poultry farm direkta sa ilog Balen at Masoloso River, Pampanga.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge Director Eric B. Distor ang mga inaresto na mga supervisor o over all caretaker na sina Asisclo Simbajon, Cecilio Noli Almirante, Lorelie Sumampong at Rosewin Lugto.

Paglabag sa Section 48 (6) ng RA 9003 at Article 91 (b)(5) ng Presidential Decree 1067 ang kasong isinampa sa Office of the Provincial Prosecutor, Pampanga, laban sa mga nagmamay-ari ng poultry farm na sina Bernie Lugtu, may ari ng IsaRuiz Poultry Farm, Manolita Visda ng Visda Poultry Farm, Luna Shiela Cortes ng CTS Poultry Farm at Jesusa Hinagpis ng ACMD Farm.


Facebook Comments