Apat na indibidwal na posibleng may kinalaman sa pagpatay sa isang NBI official, iniimbestigahan na

Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na inibidwal na posibleng may kaugnayan sa pagpaslang sa isa nilang opisyal.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, maraming anggulo na ang kanilang sinisilip sa pagkamatay ni NBI Counter Terrorism Division (CTD) Chief Raoul Manguerra kabilang ang suicide.

Dagdag pa ni Lavin, ang mga miyembro ng forensic team at ng Death Investigation Division ay nagpulong na para gawin ang reenactment.


Si Manguera ay nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang tiyan, na sanhi ng kaniyang kamatayan.

Facebook Comments