Apat na indibidwal na sangkot sa hacking incident ng BDO, arestado

Arestado ang apat na katao na nasa likod ng hacking incident ng BDO Unibank Inc. Kung saan 700 accounts ang nabiktima noong Disyembre.

Sa ulat, huli ang dalawang Nigerian nationals sa isang operasyon sa Pampanga habang ang dalawa pa ay naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng Pasig at Maynila.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, isa sa mga naarestong suspek ang sinasabing gumawa ng computer program upang magamit sa pangha-hack.


Kasalukuyan namang iniipon ng NBI – Cybercrime Division ang mga ebidensya laban sa mga suspek bago sampahan ng kaso.

Wala pang pahayag na inilalabas ang pamunuan ng BDO Unibank Inc. Kaugnay sa pagkaka-aresto ng mga suspek.

Facebook Comments