Friday, February 6, 2026

APAT NA INDIBIDWAL, NABISTO SA ILIGAL NA PAGMA-MAHJONG SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION

Apat na indibidwal ang inaresto ng kapulisan matapos mahuli sa gawaing iligal na pagsusugal sa lungsod ng San Fernando, La Union, bandang alas-tres ng hapon noong Pebrero 5, 2026.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga tauhan ng City of San Fernando Police Station na nagresulta sa pagkakahuli sa tatlong lalaki at isang babae na pawang residente ng lungsod.

Nahuli umano ang mga ito habang aktuwal na naglalaro ng mahjong, na labag sa City Ordinance No. 1970-03.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang set ng mahjong tiles at bet money na nagkakahalaga ng ₱420 sa iba’t ibang denominasyon.

Matapos ang dokumentasyon, inisyuhan ng citation tickets ang mga nahuling indibidwal para sa paglabag sa nasabing ordinansa at kalaunan ay pinalaya rin mula sa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments