Nailigtas ang apat na indibidwal sa bahagi ng Buaya River sa Salcedo, Ilocos Sur matapos magsagawa ng isang search and rescue operation.
Gamit ang lubid at iba pang kagamitan, naisalba at matagumpay na naitawid ang mga indibidwal sa rumaragasang agos ng ilog dulot ng bagyo at habagat.
Matagumpay na naisagawa ang nasabing search and rescue operation sa pagtutulungan ng Deployable Response Group (DRG) ng Philippine Coast Guard, PDRRMO Vigan, MDRRMO Salcedo, Philippine National Police, BFP, at Philippine Navy. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









