Wednesday, February 11, 2026

APAT NA JEEPNEY DRIVER, HULI SA ILEGAL NA PAGSUSUGAL SA SAN FERNANDO CITY

Naaresto ang apat na lalaki dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 1970-03 o ilegal na pagsusugal bandang alas-5:20 ng hapon kahapon sa Lungsod ng San Fernando, La Union.

Ang mga naaresto ay pawang mga jeepney driver kung saan may isang 59-anyos at 58-anyos na kapwa residente ng City of San Fernando at isang 51-anyos na residente ng Bacnotan, La Union at isang 58-anyos na residente naman ng Oeste, San Fernando City.

Ayon sa pulisya, nahuli ang mga ito habang aktuwal na naglalaro ng barahang “Pusoy” sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng City of San Fernando Police Station.

Nakumpiska mula sa kanilang pag-iingat ang isang set ng baraha at perang pantaya na nagkakahalaga ng ₱178 sa iba’t ibang denominasyon.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng City of San Fernando Police Station ang mga nahuli para sa kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments