Arestado ang apat na kabataan matapos mahuli sa cctv ang panloloob sa isang bahay sa brgy. Cabalaoangan sur, rosales, pangasinan.
Kinilala ang mga suspek na edad 19 anyos pababa at mga residente sa lugar.
Sa panayam kay rosales police station deputy cop pcpt. Eugene navalta, napag-alaman na lamang umano ng may-ari ang insidente bandang alas singko ng umaga nang makita na wasak ang bintana ng cr at nagkalat ang kanilang paninda sa sari-sari store.
Tinangay din umano ng mga suspek ang isang laptop na nagkakahalaga ng p30,000, barya maging sigarilyo.
Nakilala ang mga suspek base sa kuha ng cctv at kalaunan ay naaresto ng awtoridad.
Nasa kustodiya na ng kapulisan ang nakatatandang suspek na posibleng maharap sa kasong robbery habang naiturn-over naman sa municipal social welfare and development office ang mga menor de edad na sangkot sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









