Apat na kalalakihan na rumaraket bilang barker pero mas inaatupag ang paglalasing, inaresto sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado angapat na kalalakihan kabilang ang isang menor de edad na rumaraket bilang barkerpero mas inaatupag ang paglalasing sa isang waiting shed sa Commonwealth Avenuesa Quezon City.
 
Ayon kay Brgy. North FairviewChairman Manuel Chua, inilalagay ng mga suspek ang alak sa bote ng mineralwater na hinahaluan pa nila ng calamansi.
 
Bukod sa pagbabarker, nangingikilrin aniya ang mga ito sa mga driver at sa mga pasahero para ipambili ng alak.
 
 
Nakuha sa mga suspek ang mga sobrena ginagamit nila sa pangingikil, isang itak at mga gamit sa kanilang pag-inom.
 
Agad namang pinakawalan ang mgasuspek matapos mangakong hindi na babalik sa nasabing lugar.
 

Facebook Comments