Naitala ng Dagupan City Health Office ang pitong kaso ng leptospirosis sa lungsod pagkatapos ng halos ng isang linggo naranasang matinding pagbaha kung saan ang apat sa pitong kaso nito ay namatay.
Nasa kritikal nang kondisyon umano ang mga pasyente nang itakbo sa ospital na nagdulot ng pagkamatay dahil sa nahuli ang possible sanang maibigay na lunas upang maagapan ito.
Mas mataas naman ang bilang ng kaso ng pagkamatay dahil sa leptospirosis ngayong taon kumpara noong nakaraang taon na nakapagtala lamang ng isang kaso.
Muling pinaalalahanan ng health authorities ang publiko na kung makaramdam ng mga sintomas tulad ng lagnat, pag-ubo, panginginig, sakit ng ulo, pagsakit ng mga kalamnan lalo na sa hita at likod, paninilaw ng balat at ng puting bahagi ng mga mata ay mainam nang magtungo sa pinakamalapit na ospital at health center upang mabigyan ng agarang medical na atensyon.
Matatandaan na ang sakit na leptospirosis ay isang malubhang impeksyong dulot ng leptospira bacteria mula sa mga ihi ng hayop tulad ng daga, at nakukuha ito sa mga kontaminadong tubig baha. |ifmnews
Facebook Comments