APAT NA KASO NG OMICRON VARIANT SA PANGASINAN, GUMALING NA

LINGAYEN, PANGASINAN – Nakapagtala ang Provincial Health Office ng Pangasinan ng apat na kaso ng Omicron Variant.

Ito ang kinumpirma ni PHO Officer Dra. Anna De Guzman sa isinagawang session ng Sangguniang Panlalawigan kahapon ika-17 ng Enero.

Sa isang text message ni De Guzman sa Ifm Dagupan, sinabi nitong ito ay base sa abiso ng DOH kung saan tubong Dagupan City, Urdaneta City, Sto. Tomas at Mangatarem.

Nilinaw nito na lahat ng kaso ay nakarekober na matapos makumpleto ang kanilang isolation sa quarantine facility at sa kanilang tahanan.

Ang apat na kaso ay nakaranas lamang ng mild symtoms.

Naniniwala naman si De Guzman na maaaring ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsiya ay dahil sa Omicron Variant.

Sa ngayon ang Pangasinan ay nasa moderate risk at isinailalim ito sa Alert Level 3 upang makagawa ng hakbang ang mga LGUs sa surge o pagdami ng kaso sa kanilang nasasakupan ayon sa opisyal.

Ang Omicron variant ay mas mabilis makahawa kaysa sa Delta Variant lalo na kung mahina ang immune sytem ng isang tao. | ifmnews

Facebook Comments