Apat na kasunduan, nilagdaan nina PRRD at Sokor President Moon Jae In

Pinagtibay nina Pangulong Rodrigo Duterte at South Korean President Moon Jae-In ang apat na kasunduan sa kanilang Bilateral Meeting sa Busan, South Korea.

Ito’y kasabay ng paggunita ng ASEAN-Republic of Korea Commemorative Summit.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang mga pinirmahang kasunduan ay may kinalaman sa Turismo, Edukasyon, Agrikultura, Fisheries, at Social Security Concerns.


Ang South Korea ay 4th largest Trading Partner at 13th biggest source ng Foreign Direct Investments ng Pilipinas.

Bago ang Bilateral Meeting, nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga Business Leaders ng dalawang bansa.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang ease of doing Business Law, Inclusive Industrial Strategy, at ang Build Build Build Infrastructure Program.

Facebook Comments