Apat na Katao, Arestado sa Magkakahiwalay na Operasyon ng Pulisya sa Cagayan

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang apat (4) na katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya kamakalawa.

Kinilala ang mga akusado na si Joel Lacuesta, 38 anyos, Top 8 Municipal Level, may asawa, isnag driver at residente ng Brgy. Calintaan, Amulung, Cagayan para sa kasong PD 533 o Anti-Cattle Rustling Law.

Samantala, inaresto din sina Lindon Siapno De Guzman, 42 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Caranglaan, Dagupan City Pangasinan para sa limang counts ng kasong Attempted Estafa matapos pekein ang Commercial Documents; Alwin Gaspang, 22 anyos, binate, mangingisda at residente ng Brgy. Pinas, Claveria, Cagayan para naman sa kasong Assault Upon an Agent of Person in Authority; at si Eddie Abaya, 57 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Bocag, Baggao, Cagayan para sa kaosng Estafa.


Nananatili naman sa himpilan ng pulisya ang mga akusado para harapin ang kaso laban dito.

Facebook Comments