Apat na Katao, Arestado sa Magkakahiwalay na Operasyon ng Pulisya

*Cauayan City, Isabela*- Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa pinagting na kampanya sa ilalim ng Manhunt Charlie na nagresulta sa pagkakadakip ng apat na wanted sa batas.

Nakilala ang mga naaresto na sina Norma Gambog, 73 anyos, Top 6 Municipal Level, may asawa at residente ng Brgy. Nueva Era, San Manuel, Isabela para sa kasong Theft; Dandan Basitao, 25 anyos, Top 5 Municipal Level, binate, isang laborer at residente ng Brgy San Mariano, Lallo, Cagayan para naman sa kasong Panggagahasa in relation to RA 7610 matapos madakip sa Brgy. Bulanao, Tabuk, Kalinga at Eugene Sagauinit, 20 anyos, Top 1 Municipal Level, binate, isnag laborer at residente ng Sitio Curasay, Brgy. Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya para sa tatlong counts ng kasong RA 7610 o Child Abuse.

Inaresto din ang isa pang wanted sa batas na si Joshua Acupido, 19 anyos, binate, isnag magsasaka at residente ng Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela para naman sa kasong Rape.


Pinuri naman ni PBGen. Angelito Casimiro ang lahat ng pulisya na nasa likod ng pagkakaaresto ng mga wanted sa batas.

Facebook Comments