Matapos magkaroon ng problema at mawalan ng kontrol ang driver ng isang mini dump truck sa bayan ng Aguilar, nagresulta ito sa pagkamatay ng apat na katao at 31 mga sugatan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa Assistant Investigator ng PNP Aguilar na si Police MSgt. Reynante Abril, naganap ang insidente pasado alas singko ng hapon kahapon ika-2 ng Marso kung saan sa dami umano ng mga biktima ay hindi umano nila kayang repsondehan ang mga pangangailangan ng biktima ngunit agad itong humingi ng tulong mula sa mga karatig bayan gaya na lamang ng mga ambulansya at pulisya.
Tinukoy ng opisyal ang biktima na mga construction workers ng isang kumpanya kung saan pauwi na umano ang mga ito ng mangyari ang insidente.
Aniya, ang naturang truck ay pababa sa mataas na bahagi ng bagong gawang kalsada sa Sitio Mapita sa Brgy. Laoag, sa bayan.
Aniya pa, isa umano sa tinitignan nilang dahilan ng insidente ay dahil overloading ang sasakyan at dagdag pa rito ay medyo kaskasero umano ang driver ng truck.
Ayon pa sa kanya, sa pitong katao na ang nakalabas na ng pagamutan kung saan patuloy pa ring nagpapagaling ang iba pa.
Hindi na umano pinapabayaan ng kumpanya ang mga biktima ng insidente.
Samantala, ang driver ng truck kasalakuyang naka-hospital arrest dahil sa posibleng isasampa laban dito na kapabayaan o ang reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple physical injuries.
Sa ngayon inaayos na umano ang mga dokumento para gagawing hearing sa korte ngayong araw. |ifmnews
Facebook Comments