Apat na Katao, Patay matapos mabangga ng Forward Truck

1365

*Cauayan City, Isabela*- Agad na binawian ng buhay ang tsuper ng tricycle matapos itong aksidenteng masalpok ng paparating na truck bandang alas tres ng hapon kanina sa pambansang lansangan na sakop ng Brgy. Del Pilar, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Wilson Guillermo, 56 anyos, biyudo na residente ng ng Brgy.Sampaloc, Cabatuan, Isabela habang nakilala din ang nasawing tatlong iba pa na sina Geny Pua Yu, 61 anyos, residente ng Brgy. Tres, San Mateo, Isabela at live-in partner nito na si Juanita Iglesia, 49 anyos na residente ng Burgos, Ramon at Jalhen Acosta, 18 anyos na residente ng Brgy. Del Pilar, Cabatuan, Isabela.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dra. Aiza Baccay, Attending Physician ng Cabatuan Family Clinic and Hospital, Traumantic Head Injuries ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima sa nangyaring aksidente.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng PNP Cabatuan, binabagtas ng tsuper ng truck na may plakang CAC 7818 ang pambansang lansangan ng Brgy Del Pilar nang aksidente nitong mabangga ang tricycle matapos mag overtake sa kasunod na sasakyan at sanhi ng matinding  pagkasugat ng mga biktima.

Patungo naman sa Bayan ng San Mateo ang truck na mula sa Aurora, Isabela nang mangyari ang insidente.

Patuloy naman ang isinasagawang imbesigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Facebook Comments

From Advertisers