Sugatan ang apat na katao matapos madaplisan ng bala habang nagsusugal sa isang lamay sa Brgy. Carosucan Sur, Asingan, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon, nauwi sa suntukan ang pagsusugal ng suspek at isang biktima dahilan upang akmang bumunot ng baril ang suspek.
Napansin agad ito ng ibang biktima at sinubukang pigilan ang suspek ngunit aksidenteng naiputok ang baril.
Ilan pang biktima ang sinubukang agawin ang baril sa suspek dahilan kaya nasugatan din ang mga ito.
Narekober ang isang calibre 9mm na baril sa insidente.
Nasa kustodiya naman ng awtoridad ang suspek para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









