Apat na kidnap victims kabilang ang 3 Indonesian, narescue ng militar at mga pulis sa Tawi-Tawi

Nasagip ng militar at mga pulis ang tatlong Indonesian kidnap victims sa Pasigan Island, South Ubian, Tawi-Tawi kagabi.

Sa report ng Western Mindanao Command, Kinilala ang mga nasagip na sina Riswanto Bin Hayono, Arical Kastamiran, at Arsyad Bin Dahalan habang ang Filipino naman ay si Sahud Salisim, alyas Ben Wagas.

Ang 3 Indonesian ay kasama sa 5 Indonesian Nationals na nagtatrabaho sa Malaysian Fishing Firm na dinukot ng Abu Sayyaf Group sa Tambisan, Malaysia noong January 17, 2020.


Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang militar sa Indonesian government kaugnay sa pagkakasagip ng tatlo.

Isinasailalim na rin sa custodial briefing ang mga na-rescue sa tulong ng Marine Batallion Landing-6 at Tandubas Police.

Facebook Comments